Saturday, January 24, 2009

Pagbabalik sa Unang Pag-ibig (by:Racquel Ricamara)

Pagbabalik sa Unang Pag-ibig

(by:Racquel Ricamara)

Nang una mong makilala ang Panginoong Dakila,

Kay init ng 'yong pagsinta at di masayod na ligaya,

Laging may kagalakan na si Jesus ang paglingkuran,

Nangako ka na di sya iiwan magpakailan pa man.

Sa pagdaan ng panahon,mga tukso'y naroroon,

Dagli mong nalimot,unang pagibig sa Panginoon,

Sa pagsubok ay nanlamig,unti-unti kang nadaig,

Ikaw ay nagbalik sa magulang buhay sa daigdig.

At muli mong naranasan,ang buhay sa sanlibutan,

Na laging abala sa materyal na pangangailangan,

Ngunit ang lahat ng bagay,ay wala ring kabuluhan,

Sapagkat ang ating kaluluwa,ang syang kayamanan.

Bagamat Masaya ka sa panlabas na kaanyuan,

Ngunit may takot at pangamba sayong puso't isipan,

Sapagkat iyo nang nalalaman ang katotohanan,

Na walang makasalanang,tatanan sa kalangitan.

Hanggat may pagkakataon,ikaw sa kanya'y magbalik,

Sa matapat mong pagluhod at sa pagsisisis ay sabik,

Upang muli mong makamtan ang dakilang kaligtasan,

At mamuhay ng may kabanalan sa panahong kasalukuyan.