Wednesday, July 04, 2007

1ST CYF ANNIVERSARY STA. MARIA, BULACAN

Dear Bro.Jet,

Holy greetings in the name of our Lord Jesus and Savior. It's a great privilege for me to give you report regarding the 1st CYF Anniversary in Sta. Maria. Ito po'y ipinagdiwang namin noong May 27, 2007. Lubos na pinagpala ng Dios ang gawaing ito.

Ito po ay dinaluhan din ng mga kabataan mula sa Metro Manila. Sa panimula po ng gawain ay umawit muna kami ng choruses sa pangunguna ni Sis. Christel. After po nun ay nagkaroon kami ng mga Bible Activities na pinangunahan ni Bro.Bob na siyang tumatayong leader ng CYF Bulacan. Ang mga activities po namin ay Bible ; Drill, Hunt, Name the Tune (ito po ang isa mga bagong activity na ginagawa namin sa Sta.Maria na kung saan ay huhulaan ng 2 magkatunggali ang title ng awit na tutugtugin sa piano, kasama pa dito ang Bible Guesting (dito po ay may character na nasa Biblia ang isusulat sa board na hindi nakikita ng huhula pero nakikita ng mga audience; dito po ay kailangan na mag-isip mabuti ng mga category ang huhula at sasagutin ng audience kung ito po'y malapit sa criteria na pinahuhulaan hanggang sa masagot niya ito base sa iniisip nya or kung hindi ay talo na siya). Nagbigay ng hamon ang mga Christian Mother at Father ng hamon para sa bawat isa. Gayon din po ay naghandog ng awit ang CYF Sta. Maria at Manila. Nagbigay din ng patotoo ang bagong tanggap na kabataan na si Sis. May. Ang aming po tema ay "Christian Youth be an Example".ang aming mensahero ay isa ring kabataan na Ministro si Sis. Armela. Na kung saan ay nagbigay inspirasyon sa bawat isa na magpatuloy at maging halimbawa kami bilang mga kabataang Cristiano na hiwalay sa gawa ng sanlibutan at higit sa lahat ay maglingkod ng tapat sa Dios hanggang wakas. Nawa po ay maging pagpapala ito sa bawat Cristiano. God Bless You.


CYF, Sta. Maria, Bulacan


No comments: