Monday, September 24, 2007

E-MAIL NG ISANG KABATAAN

Pinupuri ko po ang ating Panginoon dahil napaka buti niya. Dahil hinipo niya ako upang makilala ko Siya. Totoo ngang napakabuti ng ating Panginoon sapagkat lahat ng mali kong gawain natuwid ko na. Dati kasi palagi ako nakatambay sa labas kasama ang mga kaibigan ko. Pero simula noong nakinig ako sa mga Salita Niya nagustohan ko ito. Hanggang ngayon patuloy pa rin ako sa pakikinig ng Salita ng ating Panginoon. Nag papasalamat din ako sa Panginoon dahil binigyan Niya ako ng bestfriend na mabait na siya ang tumulong sa kin upang makilala ko ang ating Panginoon. Sana patuloy pa rin akong makapaglikod sa ating Panginoon. Yan ang aking pasasalamat sa ating PAGINOON.

JAMES MARK N. ABEJUELA
Samput, Paniqui, Tarlac

No comments: