Friday, December 19, 2008

REPORT SA GAWAIN- Dei Ann Casantusan

Salamat po at malaking hamon po kayo sa aming mga kabataan.

Yong mga gawain po dito ay nagpapatuloy po sa tulong ng DIOS. Ang mga ibang manggagawa po ay nanggagaling po doon sa Bicutan sila Bro. Adrian at kung minsan po ay si Bro. Charlie ang nakakasama namin kapag friday at saturday po. Kaya paki-lakip po sa dalangin ang mga bible study pong nagaganap dito.

Every friday po ay may gawain sa Tagaytay doon po kina Ate Ging-ging. May tumanggap na po sa lugar na yun. Si kuya William po nakakasama siya sa Bicutan minsan. Tapos po kapag sabado ay dito sa lugar po namin sa Sta. Rosa, Laguna. Marami naman pong mga kaluluwa ang patuloy na nakakapakinig kulang nalang po sila sa pagpapasya. Kilala nyo po ba si Lolo Honorio yong tumanggap po noong aniversary ng Bicutan ay patuloy din po siya nakakapakinig sa lugar ng Sta. Rosa minsan sa house po nila ginaganap ang Bible study. Taga rito po siya sa lugar namin at kung minsan po ay dito o sa bahay po namin at pagkatapos po ay don po sa mga kapatid po ni bro.rudy sa pulong Sta. Cruz.

Salamat po sa pagbati nyo.

No comments: