PAGTITIIS
Saan man tayo pumaroon
Ang Diablo ay naroroon;
Kaya't tayo'y mangagbantay
Sa tuksong naghihintay.
Anumang kapagsubukan
Ang ating nararanasan;
Nawa'y hindi maging dahilan
Upang bumalik sa kasalanan.
Bagkus ay ating pagka-tiwalaan
Ang Dios na makapangyarihan;
Na kailan ma'y di ka iiwan
Sa oras ng pangangailangan.
Atin lamang paka-ingatan
Ang natamong kaligtasan;
At mamuhay ng may kabanalan
Sa panahong kasalukuyan.
Sapagkat ang Dios ay may habilin
Na lagi nating pakaalalahanin;
"Ang magtiis hanggang sa wakas
Ay siya lamang maliligtas".
Sis. Raquel Ricamara
Ang Diablo ay naroroon;
Kaya't tayo'y mangagbantay
Sa tuksong naghihintay.
Anumang kapagsubukan
Ang ating nararanasan;
Nawa'y hindi maging dahilan
Upang bumalik sa kasalanan.
Bagkus ay ating pagka-tiwalaan
Ang Dios na makapangyarihan;
Na kailan ma'y di ka iiwan
Sa oras ng pangangailangan.
Atin lamang paka-ingatan
Ang natamong kaligtasan;
At mamuhay ng may kabanalan
Sa panahong kasalukuyan.
Sapagkat ang Dios ay may habilin
Na lagi nating pakaalalahanin;
"Ang magtiis hanggang sa wakas
Ay siya lamang maliligtas".
Sis. Raquel Ricamara
CYF Philippines
No comments:
Post a Comment