AKO'Y ISANG KABATAAN - (Another song composition by Bro. Jaime Tagara)
AKO’Y ISANG KABATAAN
Ako’y isang kabataan
Nais kong maglingkod sa Diyos na Buhay
Talento ko man ay munti lamang
Subalit ito’y lubos kong ibinigay
Noon ako ay talagang masama
Buhay ko’y puno ng mga problema
Subalit ng dumating ang Ebanghelio
Buhay ko’y lubusang nabago
At ngayon ay naglilingkod ako
Kay Hesukristo
Salita Niya’y sinusunod ko
Isinasa-buhay sa mundo
Di ako nahihiyang ipangaral
Ang Kanyang salita
Sinoman aking makausap
Ebanghelio ay aking inihahayag
No comments:
Post a Comment