Friday, January 12, 2007

TUNAY NA DAKILA - (A song composed by Jaime Tagara an OFW in Saudi Arabia)

TUNAY NA DAKILA SIYA

Minsan ako ay nag-iisa
At aking pinagmasdan ang Kanyang mga nilikha
Tunay pala na kay buti Niya
Lahat ng bagay sa mundo sa Kanya nagmula

Ang hangin na ating nilalanghap
Buwan at araw na lumiliwanag
Ganun din mga hayop sa kagubatan
At mga isda sa karagatan

Mga tanawin na magaganda
At bulaklak na kahali-halina
Gayun din mga ibong sa atin ay nagbibigay sigla
Lahat ng ito at marimi pang iba.

Tunay ngang Dakila Siya
Lahat ng ito ay galing sa Kanya
Buhay natin sa Kanya rin nagmula
Kayat tayo’y maglingkod sa Kanya

No comments: