Saturday, September 02, 2006

KABAYAN ALAM MO NA BA?

KABAYAN, ALAM MO NA BA?......... .......na mahal ka ng Diyos? Juan 3:16a "Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan......." .......na nais ng Diyos na magkaroon ka ng makahulugang buhay? Juan 10:10b "Naparito ako upang ang mga tupa'y magkaroon ng buhay - isang buhay na ganap at kasiya-siya." ......na nais ng Diyos na bigyan ka ng buhay na walang hanggang (ng kaligtasan). Juan 3:16c ".......upang ang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak, kundi mag-karoon ng buhay na walang hanggan." Pero alam mo kabayan....... Roma 3:23 "Sapagka't ang lahat ay nagkasala at walang sinumang karapat-dapat sa paningin ng Diyos" ......na tayong lahat ay nasa kapahamakan dahil sa kasalanang likas na nasa atin? Roma 6:23a "Sapagka't kamatayan ang kabayaran ng kasalanan........na hindi tayo maliligtas ng mga mabubuting gawa natin? Tito 3:5a ".......tayo'y iniligtas Niya. Natamo natin ito hindi dahil sa mabubuting gawa, kundi sa Kanyang habag sa atin? .......na nabuhay na muli si Hesus. 1 Corinto 15:4 "At Siya'y inilibing at Siya'y muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan" Salamat na lamang kabayan...... .......na ipinadala ng Diyos Ama ang Panginoong Hesus para sa ating ikaliligtas. Juan 3:16b "......kaya ibinigay Niya ang kanyang bugtong na Anak......" ......na namatay si Hesus sa krus para sa ating katubusan. Roma 5:8 "Ngunit ipinadama ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Kristo para sa atin noong tayo ay makasalanan pa." Kailangan mo lamang kabayan...... ......na pagsisihan mo ang iyong mga kasalanan. Lucas 13:3 ".....kapag hindi ninyo pinagsisihan at tinalikdan ang inyong mga kasalanan, mapapahamak din kayong lahat." ......na inyong tanggapin ang Panginoong Hesus sa inyong puso bilang sariling tagapagligtas at Panginoon ng inyong buhay. Pahayag 3:20 "Nakatayo ako sa labas ng pintuan at tumutuktok. Kung diringgin ninuman ang Aking tinig at bubuksan ang pinto, Ako'y papasok sa kanyang tahanan at magkasalo kaming kakain." ......na ikaw ay sumampalataya sa Panginoong Hesus. Mga Gawa 16:31 "Sumampalataya ka sa Panginoong Hesus,at maliligtas ka - ikaw at iyong sambahayan."
Kabayan, huwag mo nang palampasin ang pagkakataon. MAGSISI KA AT TANGGAPIN MO ANG PANGINOON SA PAMAMAGITAN NG PAG-USAL NG PANALANGIN NA KAHALINTULAD NG SUMUSUNOD: "Diyos na makapangyarihan, pinagsisisihan ko po ang lahat ng aking kasalanan. Alam ko pong hindi ko maliligtas ang aking sarili sa tiyak na kapahamakan. Nais ko pong tanggapin si Hesus sa aking puso bilang aking Tagapagligtas at Panginoon ng aking buhay.Panginoong Hesus, magmula sa sandaling ito, Kayo na po ang aking Tagapagligtas at Panginoon ng aking buhay. Salamat po sa inyong pagliligtas at pangunguna sa aking buhay mula ngayon. Amen"
(Ito ay padalang artikulo ni Bro. Adrian Bagayan isang young people ng Iglesia ng Dios Balaoang, Paniqui, Tarlac. Mula sa kanyang blog na AMAZING LOVE)

No comments: