Sunday, September 03, 2006

Paano ako makasisiguro na mapupunta ako sa langit kapag ako'y namatay?

Tanong: "Paano ako makasisiguro na mapupunta ako sa langit kapag ako'y namatay?" Sagot: Nakasisiguro ka ba na ikaw ay may buhay na walang hanggan at mapupunta sa langit pagkatapos mong mamatay? Nais ng Panginoon na ika'y maging sigurado. Sinasabi sa Bibliya, "Sinusulat ko ito sa inyo upang malaman ninyo na kayong nananalig sa Anak ng Diyos ay may buhay na walang hanggan..." (1 Juan 5:13). Halimbawa nasa harap mo na ang Panginoon at tanungin ka Niya? Bakit kita pahihintulutan sa langit? Ano ang iyong sasabihin? Maaaring hindi mo alam ang iyong isasagot? Dapat mong malaman na mahal tayo ng Panginoon at gumawa Siya ng paraan upang makamit natin ang buhay na walang hanggan.
Sinasabi sa Bibliya na, "Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan" (Juan 3:16). Ang unang dapat nating maunawaan ay kung bakit tayo nalalayo sa buhay na walang hanggan at ito ay dahil sa ang tao ay likas at piniling maging makasalanan. "Sapagka't ang lahat ay nagkasala at walang sinumang karapat-dapat sa paningin ng Diyos" (Roma 3:23). Hindi natin maililigtas ang ating mga sarili, "dahil sa kagandahang-loob ng Diyos ay nailigtas kayo sa pamamagitan ng inyong pananalig kay Kristo". At ang kaligtasang ito'y kaloob ng Diyos, hindi mula sa inyo. Hindi ito dahil sa inyong mga gawa kaya't walang dapat ipagmalaki ang sinuman" (Efeseo2:8-9). Nararapat lamang sa atin ang kamatayan at impiyerno. "Sapagka't kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Hesukristo na ating Panginoon" (Roma 6:23). Ang Panginoon ay banal at makatarungan kung kaya't ang ating mga kasalanan ay may katapat na kaparusahan, gayunpaman, dahil sa pagmamahal ng Diyos sa atin, tayo ay Kanyang pinatawad. Sumagot si Hesus: "Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko" (Juan 14:6). Namatay si Hesus sa pagkakapako sa krus para sa atin: "Sapagka't si Kristo ay namatay para sa atin. Namatay siya dahil sa kasalanan ng lahat, ang walang kasalanan para sa mga makasalanan, upang iharap kayo sa Diyos. Siya ay namatay ayon sa laman at muling binuhay ayon sa Espiritu, (1 Pedro 3:18). Siya ay muling nabuhay mula sa pagkamatay: "Ipinapatay siya dahil sa ating mga kasalanan at muling binuhay upang tayo'y mapawalang-sala" (Roma 4:25).
Muli, para sa ating katanungang, Paano ako makatitiyak na ako'y mapupunta sa langit kapag ako'y namatay? Ang sagot ay ito, sumampalataya ka sa Panginoong Hesus, at maililigtas ka at ang iyong sambahayan. "Ngunit ang lahat ng tumanggap at nanalig sa kanya ay pinagkalooban Niya ng karapatang maging anak ng Diyos" (Juan 1:12). Ikaw ay makatatanggap ng buhay na walang hanggan bilang handog mula sa Panginoon. "Ang kaloob ng Diyos ay buhay na walang haggan" (Roma 6:23). Makakapamuhay ka na ng isang masaya at makahulugang buhay mula ngayon. Sinabi ni Hesus, "Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, isang buhay na ganap at kasiya-siya" (Juan 10:10). Maaari ka nang mamuhay ng walang hanggan sa piling ni Hesus sa langit, sapagkat ipinangako ni Kristo, "Kapag naroroon na ako at naipaghanda na kayo ng matitirhan, babalik ako at isasama kayo sa kinaroroonan ko" (Juan 14:3) .
(Ang artikulong ito ay mula sa web blog na AMAZING LOVE ni Adrian Bagayan)

No comments: